Nagbibigay ng kakayahan sa Mga Pasyenteng nasa Katapusan ng Buhay
Kapag ang lagay ng sakit ng isang pasyente ay lumala o pumasok sa huling yugto, lalo na na ang araw-araw na aktibidad sa pamumuhay ay nagiging mas mahirap, ang hospice care ay maaaring mag-alok ng pisikal, emosyonal, espirituwal at psychosocial na suporta para sa mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay.
Ipinapakita ng pananaliksik na ang maagang referral at higit na paggamit ng hospice sa huling anim na buwan ng buhay ay nauugnay sa pagtaas ng kasiyahan at quality of life para sa mga pasyente at kanilang mahal sa buhay. Ang mas mahabang pananatili ay katumbas ng mas magandang resulta, mas kaunti ang di-gusto at magastos na pagpunta o pagka-confine sa ospital at mas kaunting pagtitiis ng mga tagapag-alaga.
Tignan kung paano naapektuhan ng VITAS ang isang pasyente na may terminal na kanser na ang buhay ay kapansin-pansing bumuti sa tulong ng kanyang team sa pag-aalaga sa hospice.

Mga Tip para sa Mabisang Mga Talakayan sa Mga Layunin ng Pangangalaga
Magsagawa ng mas epektibong mga talakayan sa layunin ng pangangalaga sa iyong mga pasyente sa pamamagitan ng paggamit nitong gabay sa pagsisimula ng pag-uusap.
I-download ang PDF Mga Kawani ng Klinika: Tumanggap ng Aming Newsletters