VITAS Advantage: Sinusuportahan ang mga Doktor na May mga Pasyenteng Nangangailangan ng High-Acuity na Pangangalaga

Posibleng kwalipikado sa hospice ang mga pasyenteng may agresibong sintomas, hindi napapamahalaang sakit, o madalas na nadadala sa ED.
 Karapa-dapat Ba Sa Hospice Ang Iyong Pasyente?

Papaano Ka Matutulungan ng VITAS

Handang tanggapin ng VITAS ang mga pasyenteng nangangailangan ng high-acuity na pangangalaga, mga pasyenteng posibleng hindi nabibigyan ng kinakailangang pangangalaga ng mga ibang hospice program dahil sa posibleng kakukalangan ng mga resource o dahil sa pagiging hindi eksperto, lalo na kapag kinakailangan ng mga kumplikadong modality.

Iniaakma namin ang aming mga plano sa pangangalaga sa mga kahilingan at layunin ng pasyente sa katapusan ng buhay, na bumubuo ng mas mahuhusay na resulta para sa mga pasyente, pamilya, at tagapangalaga, at mas kaunting pagpunta sa ospital at ED.

Pangangasiwa ng Agresibong Sintomas at mga Komplikadong Modality

Gaano man kakumplikado o kahirap ng mga sintomas ng aming pasyente, ang VITAS ay may hospice at palliative care solution at protocol na hindi naibibigay ng ibang mga hospice na provider, kabilang ang ngunit hindi limitado sa:

  • Mga intravenous therapy para sa pain management, hydration, mga antibiotic, atb.
  • Paracentesis at thoracentesis
  • Chest tube/PleurX
  • High-flow oxygen therapy
  • Palliative blood transfusion o pagsasalin ng dugo
  • BiPAP, CPAP at Trilogy non-invasive na ventilation
  • PEG-tube care at tube feedings o pagpapakain gamit ang tubo

Kung lumubha ang mga sintomas habang nasa hospice care ang pasyente, isasaayos ng VITAS ang antas ng pangangalaga sa pasyente para makapagbigay ng full-time na klinikal na suporta, mga karagdagang palliative na hakbang, at/o pansamantalang pananatili sa inpatient na hospice unit ng VITAS hanggang sa maging stable ang mga sintomas at mapamahalaan ang sakit.

Indibidwal na Plano sa Pangangalaga sa Gustong Lugar ng Pangangalaga

Ang mga pasyenteng may mga high-acuity na pangangailangan ay maaaring mangailangan ng pangangalagang mahirap ihatid sa labas ng ospital, pangangalaga na pangmatagalan, o skilled nursing facility.

Gumawa ang VITAS ng natatanging plano sa pangangalaga para sa bawat isa nitong pasyente, batay sa kanilang mga medikal na pangangailangan, kahilingan sa katapusan ng buhay, at mga layunin sa pangangalaga. Para sa karamihan ng mga pasyente, ang ibig sabihin nito ay pagtanggap ng pangangalaga sa bahay. Nag-aalok ang VITAS ng apat na mga antas ng hospice care para matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng mga pasyente sa daloy ng kanilang pagkakasakit, na nakakatulong sa kanilang manatili sa bahay at mawala ang pangangailangan para sa mga pagpapaospital o pagpunta sa ER.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.