VITAS Advantage: Mga Espesyalista sa Malubhang Karamdaman para sa Pangangalaga na Pangmatagalan

Sinusuportahan ng aming mga dalubhasa ang advance na care planning at end-of-life care na nakatuon sa pasyente para sa iyong mga residente ng iyong komunidad at sa kanilang mga pamilya.
Kwalipikado ba sa Hospice ang Iyong Residente?

Papaano Ka Matutulungan ng VITAS

Sa loob ng mahigit sa 40 taon, eksklusibo nang nakatuon ang VITAS® Healthcare sa pangangalaga para sa mga taong may malubhang karamdaman na malapit na sa katapusan ng buhay. Sa pamamagitan ng malawakang karanasan na ito, at sa tulong ng data na sinusuportahan ng ebidensya, ikinalulugod naming ibahagi ang aming kaalaman sa aming mga ka-partner sa pangangalaga na pangmatagalan. Layunin namin na kung tayo ay sama-sama, patuloy nating matutugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng iyon na binibigyan mo na ng mapag-arugang pangangalaga.

Sinusuportahan ng mga espesyalista sa malubhang karamdaman ng VITAS ang mga tauhan ng LTC at ang konsepto ng "pagtanda sa kasalukuyang kinalalagyan" sa pamamagitan ng:

  • Pagkakarooon ng koordinasyon sa pangangalaga
  • Pangangasiwa sa mga pag-uusap tungkol sa advance na care planning
  • Pagsusuporta sa mga inisyatibo sa pagpapahusay ng kalidad
  • Paghahatid ng mapag-aruga na end-of-life care
  • Patuloy na sinusukat at binabago ang antas ng hospice care para sa residente ayon sa pangangailangan

Tumutulong ang VITAS Advantage na masuportahan ang iyong mga residente sa pamamagitan ng pagpapanatiling hindi nadadala sa ospital at emergency department ang mga residente para sa pangmatagalan o panandaliang pananatili.

Ang mga nakalaang LTC team ng VITAS ay:

  • Nagbibigay ng mga pinasadyang edukasyonal na paghahandog na nakaangkop para matugunan ang mga pangangailangan ng isang nilalang at mapahusay ang kalidad ng pangangalaga para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman
  • Mayroong mga klinikal na resource at teknolohiya para mas mapabuti pa ang edukasyon ng staff
  • Sumusunod sa mga regulasyon ng estado at puwedeng nasa site para makatulong sa survey
  • Nagsisilbing resource para tulungan/maisagawa ang mga pag-uusap ng mga residente at ng kanilang mga pamilya tungkol sa advance na care planning

Data na Partikular sa Pasilidad at mga Sukatan sa Pagpapahusay ng Kalidad

Sinusuportahan ng mga espesyalista sa malubhang karamdaman ng VITAS ang mga sukatan sa pinahusay na pangangalaga:

  • Nagbibigay ng partikular sa pasilidad na data tungkol sa Pagtutulungan sa Pangangalaga (Partnership of Care o POC) para makilala ang mga kalakasan, kalakaran, at oportunidad para sa pagpapahusay ng kalidad
  • Pangasiwaan ang naka-target na 1-to-1 na edukasyon sa mga tauhan ng LTC, para masiguro na ang mga sintomas ng residente ay nakikilala, nasusubaybayan, at mahusay na napapamahalaan
  • Pinabuting edukasyon para masuportahan ang mga nakabatay sa tungkuling mga pangangailangan sa paglilisensya, na nakaayon sa data na partikular sa pasilidad, kasaysayan ng pangangalagang pangkalusugan, at mga kalakaran

Nakikipagtulungan ang VITAS sa lahat ng mga tauhan ng komunidad sa pangangalaga na pangmatagalan, kasama ang mga administrador, direktor ng nursing, therapist, dietitian, MDS coordinator, at intake coordinator, para makilala ang mga pangangailangan at makapagbigay ng mga resource, pagsasanay, at data, na humahantong sa mas mabuting pangangalaga at mas mataas na antas ng kasiyahan ng residente.

Mag-explore ng iba pang mga VITAS Advantage para sa mga Pasilidad ng Pangmatagalang Pangangalaga