VITAS Advantage: Partnership sa Pinuno sa Pag-iisip sa Hospice para sa mga Komunidad ng Pamamahay sa Nakatatanda
Narito Kung Paano Nakakatulong ang VITAS
Kapag ang iyong komunidad ng pamamahay sa nakatatanda ay nakipag-partner sa isang provider ng end-of-life care, ang estado ng kalusugan ng iyong mga residente ay dapat na pangunahin sa desisyon. Namumukod-tangi din ang kasiyahan ng pamilya, ang suporta ng staff, at ang pagiging matipid.
Ang pinakamabuting ka-partner ay isang pinuno sa pag-iisip sa pangangalagang pangkalusugan na nagbibigay-prayoridad sa iyong mga residente, mga staff, at sa pangkalahatang komunidad, na nagbubuo ng mga lokal at rehiyonal na network upang masiguro ang mas mataas na kalidad ng pangangalaga para sa mga residente sa kasalukuyan at pati na rin sa mga susunod na henerasyon. Kapag oras nang makipag-partner sa isang hospice, piliin ang VITAS, ang provider na nagtatakda ng pamantayan.
- Naghahandog ang VITAS ng nangunguna-sa-disiplina na proprietary na pamamaraan ng pangangalaga para sa mga pasyenteng may dementia at sakit na Alzheimer's, mga pamamaraan na idinisenyo para mabawasan ang panggamit ng mga antipsychotic na nakakababa sa kalidad ng buhay.
- Nag-ii-sponsor kami ng continuing education, kasama ng mga CE para sa iyong mga staff (kabilang ang mga staff ng pasilidad sa residensyal na pangangalaga para sa mga nakakatanda (RCFE) sa California) at mga lokal na provider, upang sa gayon ay makatanggap ang iyong mga residente ng pinaka-makabagong pangangalaga habang patuloy na umuunlad ang mga miyembro ng staff sa kanilang mga karera.
- Bilang mga nagpasimula ng displina ng hospice at Medicare na benepisyo, kami ay mga eksperto sa mga estado at pederal na batas na may kaugnayan sa hospice sa mga komunidad ng pamamahay sa nakatatanda at makakatulong sa iyo na manatiling sumusunod sa mga iyon.
Mga Benepisyo ng Pagtanda sa Isang Lugar
May mga kakayahan, kagamitan, at pagkadalubhasa ang VITAS para makapaghatid ng mga komplikadong modality na namamahala sa mga sintomas ng mga pasyente mula sa kaginhawahan ng iyong komunidad, at nagpapanatili sa iyong residente at nagpapahusay sa mga pagsukat ng mga nagagawa.
Pinansyal na Tulong para sa Komunidad at mga Pamilya
Malamang na ang iyong residente, ang kanyang pamilya, o ang iyong komunidad ang nagbabayad ng kahit isang bahagi ng halaga para sa matibay na medikal na kagamitan, mga gamot, at mga supply. Kapag nakipag-partner ka sa VITAS, kami ang sasagot sa lahat ng mga gastos na nauugnay sa hospice, na nagbibigay-daan sa iyong residente na manatili sa kanyang kinalalagyan nang may mas kakaunting pinansyal na alalahanin para sa kanya, sa kanyang pamilya, o sa iyong komunidad.
Mga Napapanahong Transisyon
Kung makaranas ang iyong residente ng matinding pangyayari may kaugnayan sa kalusugan na siyang nagpapahiwatig ng pangangailangan sa end-of-life care, puwede silang asikasuhin, i-enroll, at ilipat ng VITAS upang mapasailalim ng aming pangangalaga sa loob ng mga ilang oras, sa karamihan ng kaso. Bukod pa rito, kapag mamatay ang iyong residente habang nasa ilalim ng pangangalaga ng VITAS, puwede naming lagdaan ang death certificate at tulungan ang komunidad at pamilya sa mga napapanahong pagsasaayos pagkatapos ng pagkamatay.
Siyasatin ang iba pang mga VITAS Advantage para sa mga Senior Living Community
Mga Darating na Webinar para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Webinar: Advanced Lung Disease: Prognostication at ang Tungkulin ng Hospice
1:00 p.m. Eastern Daylight Time
Miyerkules, Oktubre 09, 2024
Webinar: Mga Beteranong Malapit na sa Katapusan ng Buhay: Mga Partikular na Pangangailangan, Dalubhasang Pangangalaga
1:00 p.m. Eastern Standard Time
Miyerkules, Nobyembre 13, 2024
Mga Clinician: Mag-sign up para sa mga email mula sa VITAS
Mag-subscribe para sa balita sa end-of-life care at mga libreng CE webinar.
Mag-sign Up