Telemundo, Itinatampok ang Halaga ng Hospice para sa mga Hispanic na Pamilya
Ang ina ni Caridad Broch na si Eudocia, 110 taong gulang, ay tumatanggap ng hospice care mula sa VITAS sa isang assisted living center sa Homestead, Florida, sa timog ng Miami.
Ayon kay Broch, pinili niya ang hospice care ng VITAS noong hindi na bumubuti ang kalusugan ng kanyang ina. Si Eudocia, na kilala sa kanyang pamilya bilang "Lola," ay kasama sa maliit-ngunit-dumaraming bilang ng mga Latino na tumatanggap ng hospice care sa United States.
Itinampok kamakailan ng Telemundo Channel 51, isang istasyon ng telebisyon sa wikang Spanish na mapapanood sa South Florida, ang mga paghihirap at kumplikasyon sa end-of-life care, sa isang segment na pinamagatang "Cuidando a Mamá" (Pag-aalaga kay Mama). Ipinapakita sa halos tatlong minutong video, na nagtatampok sa pamilya ni Broch, ang kahalagahan at mga benepisyo ng hospice care-at ang mga karaniwang hamon na partikular na kinakaharap ng mga pamilyang Latino.
Edukasyon at Outreach sa Latino na Komunidad
Ayon sa National Hospice and Palliative Care Organization (NHPCO), Hispanic ang 6.4% ng 1.47 milyong mga Amerikano na nakakatanggap ng hospice care noong 2017. Bagama't nananatili ang Latino na komunidad bilang isang populasyong hindi masyadong naseserbisyuhan, tumataas ang enrollment nila sa hospice, 21% para sa mga Hispanic na pasyente mula noong 2014, salamat sa outreach sa komunidad at pagsisikap sa edukasyon tulad ng segment na ito sa telebisyon.
Para sa "Cuidando a Mamá," na ipinalabas noong Pebrero 13, 2020 sa viewing area ng South Florida, kinapanayam ng mga reporter ng Telemundo si Etian Vizoso, ang general manager para sa hospice care ng VITAS sa buong Miami-Dade at Monroe county, at sinubaybayan nila si Victoria Culp-Smith na isang music therapist ng VITAS kasama si Lola kung saan siya nakatira ngayon, sa isang Living Well Assisted Living Center.
Nauugnay: Paano Nakakatulong ang Music Therapy sa mga Taong nasa Hospice >
Kinilala sa segment ang hamon para sa mga Latinong pamilya kapag gusto nilang panatilihin ang kanilang mga mahal sa buhay sa bahay, pero kulang sila sa mga sistema ng pagsuporta, oras, o mga kasanayan para gawin ito.
"…Masakit pa rin para sa akin na mapalayo sa kanya, hindi ka talaga masasanay doon," sabi ni Broch. "Pero alam mo naman na hindi mo kaya (na mapangalagaan sila)."
Kinunan ng crew ng Telemundo si Culp-Smith na tumutugtog at kumakanta ng mga Cuban na kanta para kay Lola. Sa isang panayam, tinalakay ni Vizoso kung bakit dapat piliin ng mga pamilya ang isang hospice provider na may pagkaeksperto sa end-of-life care at suporta sa pamilya, para tumulong na mapamahalaan ang mga sintomas ng mga mahal sa buhay na kwalipikado para sa benepisyo sa hospice.
Sa tulong ng mga segment tulad ng "Cuidando a Mamá," libo-libong mga Latinong pamilya ang mayroon na ngayong mas malalim na pag-unawa tungkol sa hospice care at kung paano nito sila matutulungan at ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga serbisyo at mga benepisyo.
Pag-uusap Tungkol sa Hospice
Gusto mong simulan na kausapin ang pamilya mo tungkol sa hospice?
I-download ang aming Discussion Guide