Iba't ibang Landas Pasulong para sa Mga Pasyenteng may Malubhang Kanser
Para sa mga pasyenteng may malubhang kanser na nakakaranas ng matitinding sintomas gaya ng pagduduwal, pagsusuka, pagbaba ng timbang, at hindi makontrol na pananakit, o madalas na pagpunta o pagka-confine sa ospital na nauugnay sa paggamot, nag-aalok ang hospice ng ibang landas pasulong.
Sa halip na magpatuloy sa agresibong interbensyon, ang hospice ay nakatuon sa pangangalaga sa comfort. Ito ay isang mainam na opsyon para sa mga pasyente na pisikal o emosyonal na hindi kayang mapanatili ang kanilang pamamaraan sa paggamot at sa halip ay piniling unahin ang quality of life.
Mga Panuntunan sa Pagiging Karapat-dapat sa Hospice para sa Mga Pasyenteng may Malubhang Kanser
Ang pagiging karapat-dapat sa hospice ay tinutukoy batay sa bawat kaso ngunit pinaka nauugnay sa katayuan sa pagkilos o pag-function ng isang pasyente. Ang mga pasyenteng may ilang uri ng kanser na may mahinang prognoses o pagbabala ay maaaring maging karapat-dapat sa hospice kahit hindi nakakatugon sa mga indikasyon ng referral sa ibaba.
Batayan
| Prognosis | Ang life expectancy o taning sa buhay na anim na buwan o mas mababa kung ang sakit ay sumusunod sa karaniwang kurso nito |
| Katayuan sa Pagkilos o Pag-function |
Palliative Performance Scale (PPS) na marka ≤ 70%
ECOG Performance Status Scale na marka ≥ 2
|
| Mga Gawain sa Pang-araw-araw na Pamumuhay |
Nakadepende sa 2 o higit pang mga aktibidad ng pang-araw-araw na pamumuhay:
|
Partikular sa Kanser
| Paglala ng Sakit | Sakit na kumalat sa ibang organo Paglala ng sakit na may paggagamot Madalas na pagpunta o pagka-confine sa ospital o pagpunta sa emergency room na may kaugnayan sa diagnosis |
| Mga Layunin ng Pangangalaga | Ang desisyon ng pasyente na ituloy ang pangangalaga sa comfort sa halip na paggagamot |
Pagkilala sa Paghina ng Pagkilos sa mga Pasyenteng may Malubhang Kanser
Ang Palliative Performance Scale ay makakatulong sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na mabilis na masuri ang paghina ng pagkilos ng pasyente at ipaalam ang mga desisyon sa pagiging karapat-dapat sa hospice. Ipinapakita ng pananaliksik na ang mga naunang referral at higit na paggamit ng hospice sa huling anim na buwan ng buhay ay nauugnay sa:
- nadagdagang kasiyahan at quality of life para sa mga pasyente at kanilang mga pamilya
- mas kaunti ang di-gusto at magastos na pagpunta o pagka-confine sa ospital
- mas kaunting pagtitiis ng mga tagapag-alaga
Para sa mga pasyenteng may malubhang kanser, ang marka na 70% o mas mababa ay maaaring magpahiwatig ng pagiging karapat-dapat sa hospice.