VITAS Inpatient Hospice Care sa Orlando Lutheran Towers
210 Lake Ave.
1st Floor
Orlando, FL 32801
Inpatient Hospice Care
Kapag ang mga hospice patient ay nangangailangan ng pangangalagang higit sa naibibigay sa bahay, naghahandog ang VITAS ng inpatient care sa mga pasyente at suporta sa kanilang mga pamilya sa Orlando Lutheran Towers.
Ang mga pasyenteng nangangailangan ng pangangasiwa ng matinding sintomas at ang kanilang mga pamilya ay patuloy na makakaasa sa parehong kalidad ng 24 na oras na pangangalagang ibinibigay ng VITAS.
Impormasyon ng Bisita
Ang Orlando Lutheran Towers ay madaling matatagpuan sa gitna ng downtown Orlando, malapit sa Lake Eola, park, at Orlando Regional Medical Center.
- 24/7 na access para sa mga bisita
- May libreng valet parking
- Pinapayagan ang mga maaamong alagang hayop
- Malalapit na restaurant at hotel
Mga Tampok ng VITAS Inpatient Care
- 4 mga pribadong kwarto
- 2 nakabahaging kwarto
- Access sa computer at internet
- Pamilyang conference room
- Mga flat-screen TV sa mga kwarto
- Mga counter na gawa sa granite
- Mga hardwood na sahig
- Lokal na artwork
- Mga pribadong paliguan
- Pribadong tahimik na kwarto
- Family suite
- Shared na pampamilyang kwarto
- Shared na kusina
- Outdoor na lugar
May bibisitahin ka ba sa hospice?
Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS
Our group of specially trained healthcare professionals who ensure that a patient's last few months, weeks or days are lived in comfort and dignity.
Team Manager
Pinangangasiwaan ng team manager ang lahat ng pangangalaga ng inpatient hospice care team.
Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.