Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Jefferson Methodist Hospital
1300 Wolf St.
2nd Floor
Philadelphia, PA 19148
Inpatient Hospice Center
Kapag ang mga pasyente ng hospice ay nangangailangan ng pangangalaga na higit sa kung ano ang maaaring pangasiwaan sa bahay, ang Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Jefferson Methodist Hospital ay isang parang bahay na setting kung saan matatanggap ng mga pasyente ang indibidwal na pangangalagang kailangan nila, 24 na oras. Layunin naming tulungan ang mga pasyenteng makabalik sa kanilang bahay sa lalong madaling panahon, kung saan patuloy kaming magbibigay ng suporta.
Kumikilos ang aming mga mapangalaga at propesyonal na healthcare providers sa hospice unit 24/7 para matiyak na ganap na napapangasiwaan ang pananakit at iba pang sintomas sa tulong ng personal na doktor ng pasyente.
Impormasyon ng Bisita
Maaaring pumunta ang pamilya at mga kaibigan sa VITAS unit anumang oras-araw o gabi-at maaaring manatili gaano katagal man nila gusto, nang walang paghihigpit sa mga oras ng pagbisita.
- Libreng paradahan
- Matatagpuan sa ika-2 palapag ng ospital
- Malugod na tinatanggap ang mga nakatali at maamong alagang hayop
Dahil sa coronavirus na pandemic, posibleng maging limitado ang mga oras ng pagbisita at ang mga amenity para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasyente, bisita, at staff.
Mga Feature ng Inpatient Unit
- Aktibidad para sa mga bata
- Access sa computer at internet
- Mga flat-screen TV sa mga kwarto
- Mga pribadong paliguan
- Pribadong tahimik na kwarto
- Shared na pampamilyang kwarto
- Shared na kusina
- Washer at dryer para sa mga bisita
May bibisitahin ka ba sa hospice?
Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS
Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.
Team Manager
Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.