Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa University of Miami

1400 N.W. 12th Ave.

7th Floor

Miami, FL 33136

Kung minsan, maaaring kailangan ng mga pasyente sa hospice ng pag-aalaga na higit sa kumportableng maibibigay ng mga pangunahing tapag-alaga sa bahay. Sa inpatient hospice unit ng VITAS sa University of Miami Hospital, nagbibigay ang aming espesyal na team ng kinakailangang antas ng pag-aalaga para ma-stabilize ang mga sintomas para makabalik na ang mga pasyente sa pamilyar na kapaligiran ng kanilang sariling bahay at regular na gawain sa lalong madaling panahon.

Gumagamit kami ng indibidwal na pamamaraan para sa bawat pasyenteng inaalagaan namin. Layunin naming suportahan ang aming mga pasyente at kanilang mahal sa buhay sa oras na ito ng pagsubok.

Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS