Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Methodist Dallas Medical Center

1441 N. Beckley Ave.

Schenkel Tower, 5th Floor

Dallas, TX 75203

Kapag kailangan ng mga pasyente ng hospice na pangangalaga na higit sa kung ano ang maibibigay sa bahay, ang VITAS Inpatient Hospice Unit sa Methodist Dallas Medical Center ay isang kapaligiran na tulad ng sa isang bahay kung saan makatatanggap ang mga pasyente ng indibidwal at walang tigil na pag-aalaga na kanilang kailangan. Layunin naming tulungan ang mga pasyenteng makabalik sa kanilang bahay sa lalong madaling panahon, kung saan patuloy kaming magbibigay ng suporta.

Kumikilos ang aming mga mapangalaga at propesyonal na healthcare providers sa hospice unit 24/7 para matiyak na ganap na napapangasiwaan ang pananakit at iba pang sintomas sa tulong ng personal na doktor ng pasyente.

Kilalanin ang Hospice Team ng VITAS

Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang hospice aide sa VITAS

Hospice Aide

Nagbibigay ang hospice aide ng personal care sa pasyente. Sila rin ang "mata at tainga" ng iba pang hospice team.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS