VITAS Inpatient Hospice Care Unit sa Carrollton Regional Medical Center
4343 N Josey Lane
4th Floor
Carrollton, TX 75010
Inpatient Hospice Care
Sa VITAS Inpatient Hospice Care Unit sa Carrollton Regional Medical Center, nagsasagawa kami ng indibidwal na pamamaraan sa bawat pasyente na aming inaalagaan. Layunin naming suportahan ang aming mga pasyente at kanilang mahal sa buhay sa oras na ito ng pagsubok.
Paminsan-minsan, maaaring kailangan ng mga pasyente sa hospice ng pag-aalaga na higit sa kumportableng maibibigay ng mga pangunahing tapag-alaga sa bahay. Sa Carrollton Regional Medical Center, ang aming dalubhasang koponan ay nagbibigay ng kinakailangang antas ng pangangalaga para patatagin ang mga sintomas upang makabalik ang mga pasyente sa pamilyar sa kanilang sariling mga tahanan at mga gawain sa lalong madaling panahon.
Ang aming multidisciplinary team ay sanay sa medikal na pangangasiwa ng sakit at klinikal na kumplikadong pag-aalaga, kabilang ang mga vent, infusion therapy, at paracentesis para mabawasan ang abdominal pressure. Ang aming koponan ay nilagyan ng natatanging silid ng pasyente para sa mga bariatric na pasyente, kumpleto sa mas malalawak na pinto, isang napakalaking banyo, at isang bariatric na kama at elevator.
Impormasyon ng Bisita
- Libreng paradahan
- Matatagpuan ito sa sarili nitong wing sa ika-4 na palapag ng ospital
- Pagbati sa mga bisita 24/7
- Malugod na tinatanggap ang mga nakatali at maamong alagang hayop
Mga Tampok ng Inpatient Care
- 14 mga pribadong kwarto
- Aktibidad para sa mga bata
- Access sa computer at internet
- Mga flat-screen TV sa mga kwarto
- Family suite
- Mga pribadong paliguan
- Pribadong tahimik na kwarto
- Dalawang shared na pampamilyang kwarto
- Shared na kusina
- Mga pasilidad sa paliligo para sa mga bisita
- Specialized na bariatric na kwarto
- Washer at dryer para sa mga bisita
May bibisitahin ka ba sa hospice?
Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS
Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.
 
            Team Manager
Pinangangasiwaan ng team manager ang lahat ng pangangalaga ng inpatient hospice care team.
Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
 
             
            Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
 
             
            Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
 
             
            Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.