Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Doktor at Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Tuklasin ang mga benepisyo ng hospice care na nakabatay sa ebidensya habang nagkakaroon ng mga pangunahing kaalaman sa mga patnubay sa pagiging karapat-dapat sa hospice, kung paano naiiba ang hospice mula sa iba pang uri ng pangangalaga, at kung paano tumutulong ang Medicare Hospice Benefit sa mga pasyenteng dumaranas ng malubhang karamdaman na manatili sa kanilang gustong kapaligiran ng pangangalaga, tumutulong na maalis ang mga hindi kinakailangang muling pagpasok sa ospital at mga pagbisita sa ED.
Alamin ang mnemonic ng isang clinician para sa mga sensitibong talakayan at kung paano tutugunan ang mga karaniwang maling akala sa pamamagitan ng halimbawa ng isang epektibong pag-uusap sa layunin ng pangangalaga.
Ang webinar na ito ay inihahandog para sa parehong CE at CME na credit:
- Ang CE na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker at certified case manager, at pati na rin mga lisensiyadong tagapamahala ng nursing home sa mga estado ng Florida at Illinois.
- Ang CME na credit ay para sa mga doktor (MD, DO), nurse practitioner (NP), at physician assistant (PA).
Makakatanggap ang mga dumalo ng isang oras ng continuing education. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Mga Nurse at Case Manager
Para magkaroon ng CE credit, dapat panoorin ng mga attendee ang buong webinar, sagutan ang isang online na post-event na evaluation, at i-download ang sarili nilang CE certificate. Dapat magparehistro at mag-sign in ang mga kalahok sa live na webinar gamit ang iisang email address.
Ang aktibidad na ito ay aprubado para sa isang oras na continuing education na credit para sa mga nurse (RN, LPN, LVN, ARNP; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker, at certified case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Mga Doktor
Mahusay na Pagtatapos - Dapat kumpletohin ng mga mag-aaral ang isang evaluation form para makatanggap ng certificate ng pagkumpleto. Dapat kang lumahok sa buong aktibidad dahil walang partial credit na maibibigay. Kung naghahanap ka ng continuing education na credit para sa isang kadalubhasaan na hindi nakalista sa ibaba, responsibilidad mong makipag-ugnayan sa iyong licensing/certification board para matukoy ang pagiging kwalipikado sa kurso para sa iyong kinakailangang licensing/certification.
Mga Doktor - Bilang suporta sa pagpapahusay ng pangangalaga sa pasyente, plinano at ipinapatupad ng Amedco LLC at VITAS Healthcare ang aktibidad na ito. Ang Amedco LLC ay accredited ng Accreditation Council for Continuing Medical Education (ACCME), Accreditation Council for Pharmacy Education (ACPE), at American Nurses Credentialing Center (ANCC), para makapagbigay ng continuing education para sa healthcare team. Pahayag sa Pagtatalaga ng Credit - Itinatalaga ng Amedco LLC na ang live na aktibidad na ito ay may maximum na 1.00 na AMA PRA Category 1 na (mga) CreditTM. Ang mga doktor ay dapat lang kumuha ng credit na naaayon sa kanilang paglahok sa aktibidad.
Itinatampok na Eksperto sa VITAS
Maite Hernandez, RN
National Director ng Sales Training - VITAS Healthcare
Si Maite Hernandez, RN, ay may malawak na karanasan sa hospice care. Bilang isang nurse nang 25 taon, sumali siya sa VITAS noong 2000 bilang isang admissions nurse sa South Florida, at sa kinalaunan ay nakaroon siya ng mga tungkulin bilang team manager, tagapangasiwa ng pangangalaga ng pasyente, clinical care liaison at sales representative.
Kabilang sa kanyang mga karanasan ay klinikal na kaalaman, pagbibigay-kaalaman tungkol sa hospice at ang pagtataguyod ng hospice care sa mga pasilidad ng pangangalaga, sa mga ospital, at sa mga managed care na provider. Bilang national director ng sales training para sa VITAS, ginagamit niya ang kanyang kaalaman sa hospice para ipaalam ang mga benepisyo nito sa mga pasyente, mga pamilya, mga tagapag-alaga, at mga healthcare providers.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.