Isang closeup ng isang taong nagta-type sa isang laptop keyboard

ELNEC Geriatric Core Program

Septiyembre 23, 2025

Deadline ng Pagpaparehistro: Set. 20

End-of-Life Nursing Education Consortium-Geriatric - Nagtataguyod ng Palliative Care sa Geriatric Nursing

Ipinresenta ng VITAS® Healthcare Pasco County

Ang mga nurse ay may kinalaman sa lahat ng mga aspeto ng end-of-life care at tinutugunan nila ang maraming mga pangangailangan ng mga indibidwal sa panahong ito ng buhay. Ang mga nurse ay may potensiyal na mabawasan nang malaki ang kahirapan ng pagkabalisa na hinaharap ng mga taong nasa katapusan ng buhay at ang kakayahan na makapaghandog ng suporta sa maraming pisikal, sikolohikal, panlipunan, at espirituwal na mga pangangailangan ng mga matatandang pasyente, mga residente ng pangmatagalang pangangalaga, at ng kanilang mga pamilya.

Ang mga nars na may pagsasanay sa pangangalaga ng mga pasyenteng may edad na at nasa katapusan ng buhay, nang paisa-isa at sama-sama, ay may natatanging pagkakataon na makabuluhang maapektuhan ang kalidad ng pangangalaga para sa mga pasyenteng may malubhang sakit.

Ang curriculum ng ELNEC-Geriatric ay binuo upang makamit ang espesyal na mga pangangailangan ng mga pasyente at pamilyang dumaranas ng katapusan ng buhay sa buong haba ng iba't ibang kinalalagyan ng mga matatanda. Ang pangunahing layunin ng programa ng pagsasanay ay upang makapagbigay ng kasalukuyang impormasyon tungkol sa end-of-life care at ang mga magagamit upang maisama ang kaalaman na kaugnay sa katapusan ng buhay sa pangangalaga ng matatanda, kung ang pasyente man ay tumatanggap ng pangangalaga sa bahay o sa pangangalaga na pangmatagalan, at sa nursing home na mga kinatatayuan. Ang ELNEC-Geriatric curriculum ay isang pambansang inisyatiba sa edukasyon sa pag-aalaga na pinangangasiwaan ng City of Hope sa California.

Ang Kurso ng ELNEC-Geriatric para sa Pagsasanay na ito ay may nilalamang pitong module na tumutugon sa mahahalagang aspeto ng end-of-life care at ang tungkulin ng nurse at iba pang mga healthcare providers. Kasama sa mga module na ito ang:

  1. Palliative Care sa Geriatric Nursing
  2. Pagtatasa at Pangangasiwa ng Pananakit
  3. Pangangasiwa ng Sintomas na Hindi Kaugnay sa Pananakit
  4. Komunikasyon
  5. Mga Huling Oras
  6. Pagpanaw, Pangungulila, at Pagdadalamhati
  7. Mga Kultural at Espirituwal na Pagsasaalang-alang

Kasama rin sa curriculum ng ELNEC-Geriatric ang maraming karaniwang katangiang bahagi sa buong haba nito . Ang mahahalagang tema na mga ito ay:

  • Ang mahalagang tungkulin ng sinumang Nars bilang tagapagtaguyod para sa mga pasyenteng may edad na.
  • Ang mahalagang pangangailangan para sa pagbibigay-tuon sa espesyal na populasyon tulad ng mga nakatatanda, mga bata, at ang mga walang insurance.
  • Naaapektuhan ng mga isyu sa Katapusan ng Buhay ang lahat ng mga sistema ng pangangalaga sa buong haba ng lahat ng mga kinatatayuan ng geriatric na pangangalaga.
  • Naiimpluwensiyahan ng mahahalagang pinansiyal na isyu ang end-of-life care.
  • Ang End-of-Life care ay mahalaga sa lahat ng karamdamang nakamamatay at sa mga kaso ng biglaang pagkamatay.

Ang ilan sa mga Layunin na tatalakayin:

  1. Ilarawan ang tungkulin ng nurse at ng iba pang mga miyembro ng team sa pag-aalaga ng kalusugan upang makapagbigay ng palliative care na may kalidad para sa mga nakatatandang pasyente at mga residente ng pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga, mga nursing home, at iba pang mga kilalagyan na kaugnay sa geriatric care.
  2. Ilista ang mga bahagi ng isang lubusang pagtatasa ng pananakit na nakatuon sa mga geriatric na pasyente at mga residente ng mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga.
  3. Pag-usapan ang mga mahihirap na kalagayang maaaring maranasan sa katapusan ng buhay/palliative care sa geriatric care.
  4. Kilalanin ang mga aspeto ng kultura at ang impluwensiya ng pang-kultura at espiritwal na mga paniniwala sa palliative care para sa geriatric na mga pasyente.
  5. Kilalanin ang tatlong mga dahilan na nakapag-iimpluwensiya sa komunikasyon sa geriatric care.
  6. Tasahin ang pisikal, sikolohikal, panlipunan, at espirituwal na mga pangangailangan at ang mga pamamagitan para sa isang malapit nang mamatay na matandang tao at ng kanyang pamilya.
  7. Ipahiwatig ang pagkakaintindi ng mga isyu na kaugnay sa pangungulila at pagkawala ayon sa kanilang kaugnayan sa komplikado o nakababalisang mga pangyayari.

Sino ang Dapat Dumalo?

  • Lahat ay Licensed Practical Nurse at lahat ay Registered Nurse
  • Mga Nurse Administrator/Nursing Faculty
  • Mga Nurse Practitioner at Advanced Practice Nurse 
  • Mga Case Manager/Discharge Planner 
  • Mga Social Worker 
  • Mga Chaplain 
  • LTCF Administration 
  • Mga Assistant ng Doctor

Anong Ibibigay:

  • 7 CE para sa mga kalahok na mananatili sa buong haba ng kurso
  • Isang Sertipiko ng Pagdalo mula sa ELNEC Geriatric para sa mga kalahok na mananatili sa buhong haba ng kurso
  • May kasamang Almusal at Pananghalian na ibibigay

Magrehistro para sa sesyon ng pagsasanay na ito ng ELNEC:

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.