Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Doktor at Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Suportado ng impormasyon na nakabatay sa ebidensya, matututunan ng mga dadalo ang mga benepisyo ng palliative care para sa mga pasyenteng my malulubhang karamdaman habang nalalaman nila ang mga pagkakaiba sa pagitan ng palliative at curative care.
Tatalakayn ng webinar na ito ang kasaysayan at pilosopiya ng hospice at palliative na kilusan at pag-uusapan ang epekto ng end-of-life care sa mga pasyente, sa kanilang mga pamilya, sa mga ospital, at sa sistema ng pangangalaga ng kalusugan.
Ang webinar na ito ay inihahandog para sa parehong CE at CME na credit:
- Ang CE na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker at certified case manager, at pati na rin mga lisensiyadong tagapamahala ng nursing home sa mga estado ng Florida at Illinois.
- Ang CME na credit ay para sa mga doktor (MD, DO), nurse practitioner (NP), at physician assistant (PA).
Makakatanggap ang mga dumalo ng isang oras ng continuing education. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Nakakaranas ka ba ng problema sa pagpaparehistro para sa webinar na ito? Maaaring dulot ito ng iyong browser o ng mga settings ng iyong network. Pumunta sa aming page na mga bagay na malimit itanong tungkol sa webinar upang makahanap ng solusyon.
Mga Nurse at Case Manager
Para magkaroon ng CE credit, dapat panoorin ng mga attendee ang buong webinar, sagutan ang isang online na post-event na evaluation, at i-download ang sarili nilang CE certificate. Dapat magparehistro at mag-sign in ang mga kalahok sa live na webinar gamit ang iisang email address.
Ang aktibidad na ito ay aprubado para sa isang oras na continuing education na credit para sa mga nurse (RN, LPN, LVN, ARNP; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker, at certified case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Mga Doktor
Mahusay na Pagtatapos - Dapat kumpletohin ng mga mag-aaral ang isang evaluation form para makatanggap ng certificate ng pagkumpleto. Dapat kang lumahok sa buong aktibidad dahil walang partial credit na maibibigay. Kung naghahanap ka ng continuing education na credit para sa isang kadalubhasaan na hindi nakalista sa ibaba, responsibilidad mong makipag-ugnayan sa iyong licensing/certification board para matukoy ang pagiging kwalipikado sa kurso para sa iyong kinakailangang licensing/certification.
Mga Doktor - Bilang suporta sa pagpapahusay ng pangangalaga sa pasyente, plinano at ipinapatupad ng Amedco LLC at VITAS Healthcare ang aktibidad na ito. Ang Amedco LLC ay accredited ng Accreditation Council for Continuing Medical Education (ACCME), Accreditation Council for Pharmacy Education (ACPE), at American Nurses Credentialing Center (ANCC), para makapagbigay ng continuing education para sa healthcare team. Pahayag sa Pagtatalaga ng Credit - Itinatalaga ng Amedco LLC na ang live na aktibidad na ito ay may maximum na 1.00 na AMA PRA Category 1 na (mga) CreditTM. Ang mga doktor ay dapat lang kumuha ng credit na naaayon sa kanilang paglahok sa aktibidad.
Itinatampok na Eksperto sa VITAS
Joseph Shega, MD
Executive Vice President, Chief Medical Officer, VITAS Healthcare
Joseph Shega, MD, nangangalaga, nag-aaral, nagtuturo tungkol sa mga geriatric na pasyente at end-of-life care mula 1999. Naging bahagi siya ng VITAS noong 2013 bilang regional medical director at na-promote sa senior vice president at national medical director noong 2016, at pagkatapos ay na-promote ulit sa chief medical officer noong 2018 at naging executive vice president noong 2021.
Sa kanyang tungkulin bilang chief medical officer, nakatalaga si Dr. Shega sa pangangasiwa at pamumuno sa medikal na direksyon para sa lahat ng lokasyon ng VITAS sa 15 estado at sa District of Columbia. Pinapamunuan ni Dr. Shega ang lahat ng regional medical director ng VITAS pati na rin ang direktor ng mga serbisyo ng doktor.
Si Dr. Shega ay board certified sa geriatrics at hospice at palliative medicine. Pinamumunuan niya ang Ethics Committee for the American Geriatrics Society. Siya ay isang associate professor ng medisina sa University of Central Florida, nasa editorial board ng Journal of Pain and Symptom Management, at nagsisilbi bilang miyembro ng Academy of Medicine roundtable sa kalidad ng pangangalaga para sa mga taong may malubhang karamdaman.
Isa siyang pangunahing contributor sa UNIPAC series sa pamamagitan ng American Academy of Hospice and Palliative Medicine at kasalukuyang nagsisilbi bilang co-managing editor ng UNIPAC 5th edition self-study series at ng mga Amplifier confidence-based learning module. Si Dr. Shega ay may mahigit na 50 peer-reviewed na publikasyong nakatuon sa pangangalaga ng mga taong may malubhang karamdaman at end-of-life care.
Bago siya sumali sa VITAS, si Dr. Shega ay isang associate professor ng medicine sa University of Chicago sa geriatrics at palliative medicine. Nagtrabaho siya bilang pangunahing manggagamot sa loob ng 13 taon sa South Side ng Chicago, habang nagbibigay ng mga pagkonsulta sa inpatient geriatric at palliative medicine, inpatient palliative care, nursing home care, outpatient geriatrics, home visit, at hospice services. Nagsusuri at namamahala rin siya sa mga pasyenteng may problema sa memorya mula sa diagnosis hanggang sa katapusan ng buhay.
Nagtapos si Dr. Shega ng medical school sa Northwestern University sa Chicago, ng residency sa internal medicine sa University of Pittsburgh, at fellowship sa geriatrics sa University of Chicago.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.