Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Sa webinar na ito, magkakaroon ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ng pag-unawa sa mga natatanging medikal, emosyonal, at espirituwal na pangangailangan ng mga beteranong militar habang papalapit na sila sa katapusan ng buhay.
Matututunan ng mga dadalo ang mga elementong sumusuporta sa kultural na kaalaman na natatangi sa beterano sa mga pangangalagang pangkalusugang pasilidad na hindi VA.
Kabilang sa mga paksa ang PTSD, ang konsepto ng moral na kapinsalaan o kapinsalaan ng "diwa", mga kultural na pinahahalagahan ng militar at ang kanilang epekto sa mga pag-uugali ng paghingi ng tulong, at mga dahilan na nakapagbibigay ng impluwensiya sa pagbababago ng kalagayan ng mga beterano mula sa pagiging militar patungo sa pagiging sibilyan.
Ang credit sa continuing education ay ibinibigay sa mga nurse (RN, LPN, LVN; mga Registered Nurse lamang sa California), mga social worker at sertipikadong case manager, at pati na rin mga lisensiyadong tagapangasiwa ng nursing home sa mga estado ng Florida at Illinois.
Puwedeng makakuha ang mga dadalo ng isang CE na oras. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Nakakaranas ka ba ng problema sa pagpaparehistro para sa webinar na ito? Maaaring dulot ito ng iyong browser o ng mga settings ng iyong network. Pumunta sa aming page na mga bagay na malimit itanong tungkol sa webinar upang makahanap ng solusyon.
Mga Nurse at Case Manager
Ang aktibidad na ito ay inaprubahan para sa isang oras na credit sa continuing education para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; mga Registered Nurse lamang sa California), mga social worker at sertipikadong case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.