Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Doktor at Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Ang webinar na ito ay makatutulong na mapabuti ang pagkakaunawa ng mga natatanging pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ng LGBTQ+ na komunidad habang nagbibigay-tuon sa mga pasyenteng malapit na sa katapusan ng buhay.
Malalaman ng mga dadalo kung paano makapagbigay ng patas, magalang, nagbibigay-suporta, at naaangkop-sa-klinikang pangangalaga sa nasa hustong gulang na LGBTQ+ kahit anuman ang kanilang seksuwal na oryentasyon, kasariang pinagkakakilanlan, o ipinapahayag na kasarian. Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kaalaman, pagiging kumportable sa mga pangangailangan ng LGBTQ+, at terminolohiya, ang mga dadalo ay magkakaroon ng kakayahang mapigilan ang pagdurusa at magtataguyod ng pagtitiwala ng pasyente sa mga doktor.
Ang webinar na ito ay inihahandog para sa parehong CE at CME na credit:
- Ang CE na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker at certified case manager, at pati na rin mga lisensiyadong tagapamahala ng nursing home sa mga estado ng Florida at Illinois.
- Ang CME na credit ay para sa mga doktor (MD, DO), nurse practitioner (NP), at physician assistant (PA).
Makakatanggap ang mga dumalo ng isang oras ng continuing education. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Mga Doktor
Mahusay na Pagtatapos - Dapat kumpletohin ng mga mag-aaral ang isang evaluation form para makatanggap ng certificate ng pagkumpleto. Dapat kang lumahok sa buong aktibidad dahil walang partial credit na maibibigay. Kung naghahanap ka ng continuing education na credit para sa isang kadalubhasaan na hindi nakalista sa ibaba, responsibilidad mong makipag-ugnayan sa iyong licensing/certification board para matukoy ang pagiging kwalipikado sa kurso para sa iyong kinakailangang licensing/certification.
Mga Doktor - Bilang suporta sa pagpapahusay ng pangangalaga sa pasyente, plinano at ipinapatupad ng Amedco LLC at VITAS Healthcare ang aktibidad na ito. Ang Amedco LLC ay accredited ng Accreditation Council for Continuing Medical Education (ACCME), Accreditation Council for Pharmacy Education (ACPE), at American Nurses Credentialing Center (ANCC), para makapagbigay ng continuing education para sa healthcare team. Pahayag sa Pagtatalaga ng Credit - Itinatalaga ng Amedco LLC na ang live na aktibidad na ito ay may maximum na 1.00 na AMA PRA Category 1 na (mga) CreditTM. Ang mga doktor ay dapat lang kumuha ng credit na naaayon sa kanilang paglahok sa aktibidad.
Mga Nurse at Case Manager
Para magkaroon ng CE credit, dapat panoorin ng mga attendee ang buong webinar, sagutan ang isang online na post-event na evaluation, at i-download ang sarili nilang CE certificate. Dapat magparehistro at mag-sign in ang mga kalahok sa live na webinar gamit ang iisang email address.
Ang aktibidad na ito ay aprubado para sa isang oras na continuing education na credit para sa mga nurse (RN, LPN, LVN, ARNP; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker, at certified case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Itinatampok na Eksperto sa VITAS
Jaime Collazo
General Manager - Broward County, FL, VITAS Healthcare
Si Jaime Collazo, ang general manager ng VITAS Healthcare sa Broward na programa, ay isa sa pinakabihasa sa mga tagapagturo ng VITAS tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa pangangalaga ng kalusugang may kaugnayan sa katapusan ng buhay para sa mga LGBTQ+ na pasyente.
Bilang isang tagapagtaguyod para sa kakayahang makakuha ng Medicare Hospice Benefit para sa lahat ng mga pasyenteng kuwalipikado para sa hospice, nagsilbi si Collazo sa mga progresibong tungkulin sa pangkat ng pagpapaunlad ng negosyo sa VITAS siula noong 2015, at pinaka-kamakailan bilang ang senior director ng pagpapaunlad ng merkado. Si Ginoong Collazo ay gumugol ng karagdagang 12+ taon bilang operations manager ng VITAS. Nagsilbi siya sa Leadership Council ng VITAS at miyembro siya ng Services and Advocacy for LGBT Elders (SAGE) at sa Miami-Dade Gay and Lesbian Chamber of Commerce.
Nakamit ni Ginoong Collazo ang kanyang bachelor's degree sa Health Services Administration mula sa Barry University sa Miami.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.