Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Doktor at Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Ipinakikita ng case study ng isang 66 taong gulang na pasyente ang backdrop ng dalawang diagnostic na sitwasyon-sepsis at post-sepsis na syndrome, na parehong dahilan ng pagkamatay sa ospital at kumplikadong post-acute na pangangalaga.
Isasaalang-alang ng mga dadalo ang kahalagahan ng epekto ng sepsis at post-sepsis syndrome sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng Estados Unidos, ilalarawan ang pagiging karapat-dapat sa hospice para sa mga pasyenteng nakakaranas ng sepsis sa ospitalisasyon at post-acute na pangangalaga, uunawain ang mga nagpapahiwatig sa hindi tamang prognosis para sa mga grupo ng sintomas (syndrome) sa sepsis at post-sepsis, at tutuklasin kung paano makakatulong ang hospice sa pagsuporta sa mga pasyente na may sepsis at post-sepsis syndrome. Gayundin, matutunan ang mnemonic ng isang clinician para sa mga sensitibong talakayan at kung paano tugunan ang mga karaniwang maling akala sa pamamagitan ng isang halimbawa ng isang epektibong pag-uusap sa layunin ng pangangalaga.
Ang webinar na ito ay inihahandog para sa parehong CE at CME na credit:
- Ang CE na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California ay Registered Nurse lang), social worker, at certified case manager, at pati na rin sa mga lisensiyadong nursing home administrator sa estado ng Florida at Illinois.
- Ang CME na credit ay para sa mga doktor (MD, DO), nurse practitioner (NP), at physician assistant (PA).
Makakatanggap ang mga dumalo ng isang oras ng continuing education. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Nakakaranas ka ba ng problema sa pagpaparehistro para sa webinar na ito? Maaaring dulot ito ng iyong browser o ng mga settings ng iyong network. Pumunta sa aming page na mga bagay na malimit itanong tungkol sa webinar upang makahanap ng solusyon.
Mga Nurse at Case Manager
Para magkaroon ng CE credit, dapat panoorin ng mga attendee ang buong webinar, sagutan ang isang online na post-event na evaluation, at i-download ang sarili nilang CE certificate. Dapat magparehistro at mag-sign in ang mga kalahok sa live na webinar gamit ang iisang email address.
Ang aktibidad na ito ay aprubado para sa isang oras na continuing education na credit para sa mga nurse (RN, LPN, LVN, ARNP; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker, at certified case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Mga Doktor
![Logo ng Jointly Accredited Provider](https://www.vitas.com/-/media/images/for-healthcare-professionals/education-and-training/webinars/cme-jointly-accredited-provider-logo.png)
Mahusay na Pagtatapos - Dapat kumpletohin ng mga mag-aaral ang isang evaluation form para makatanggap ng certificate ng pagkumpleto. Dapat kang lumahok sa buong aktibidad dahil walang partial credit na maibibigay. Kung naghahanap ka ng continuing education na credit para sa isang kadalubhasaan na hindi nakalista sa ibaba, responsibilidad mong makipag-ugnayan sa iyong licensing/certification board para matukoy ang pagiging kwalipikado sa kurso para sa iyong kinakailangang licensing/certification.
Mga Doktor - Bilang suporta sa pagpapahusay ng pangangalaga sa pasyente, plinano at ipinapatupad ng Amedco LLC at VITAS Healthcare ang aktibidad na ito. Ang Amedco LLC ay accredited ng Accreditation Council for Continuing Medical Education (ACCME), Accreditation Council for Pharmacy Education (ACPE), at American Nurses Credentialing Center (ANCC), para makapagbigay ng continuing education para sa healthcare team. Pahayag sa Pagtatalaga ng Credit - Itinatalaga ng Amedco LLC na ang live na aktibidad na ito ay may maximum na 1.00 na AMA PRA Category 1 na (mga) CreditTM. Ang mga doktor ay dapat lang kumuha ng credit na naaayon sa kanilang paglahok sa aktibidad.
Itinatampok na Eksperto sa VITAS
![Dr. Lauren Loftis](https://www.vitas.com/-/media/images/about-us/newsroom/2024/lauren-loftis-pr.jpg)
Lauren Loftis, MD
Direktor ng Medikal na Panrehiyon - Northern Florida at Alabama, VITAS Healthcare
Isang doctor para sa pangkalahatang medikal na paggamot (family medicine physician) na dalubhasa sa end-of-life care, Si Dra. Lauren Loftis ay naglilingkod ngayon bilang direktor ng medikal na panrehiyon para sa VITAS sa Northern Florida at Alabama. Sa kanyang pagganap sa tungkuling ito, pinangungunahan niya ang medikal na pangangalaga sa mga pasyente sa hospisyo at sa kanilang mga pamilya sa buong lalawigan ng Citrus (Citrus County) at ang Nature Coast, Pensacola, Lungsod ng Panama, Jacksonville, Tallahasse, Mobile-Daphne at Dothan.
Si Dra. Loftis ay sumali sa VITAS noong 2022 bilang medikal na direktor sa Brevard County kung saan siya naghatid ng mga komprehensibong pediyatrikong palliative services para sa mga batang may kinakaharap na malubhang karamdaman at may pakikipag-ugnayan sa mga ospital, mga may kasanayang pasilidad para sa pangangalaga o skilled nursing facilities at sa iba pang mga pasilidad para kumunsulta at bumuo ng mga serbisyo para sa hospice at palliative care.
Si Dra. Loftis ay binigyan ng sertipikasyon ng lupon ng American Academy of Hospice and Palliative Medicine (AAHPM) at ng American Board of Family Medicine (ABFM). Tumanggap din siya ng Sertipikasyon ng Lupon bilang Direktor ng Medikal na Hospisyo (Hospice Medical Director Board Certification, HMDC) at fellow siya ng AAHPM.
Nagtapos siya ng kursong medikal sa University of Texas Southwestern Medical School sa Dallas, Texas, at mayroon siyang bachelor's degree sa biomedical science mula sa Texas A&M University sa College Station. Bilang karagdagan sa mga kapuri-puring gawad-parangal na nagbibigay-pugay sa kanyang dedikasyon sa hospice, nag-ambag din si Dra. Loftis sa mga publikasyong pang-agham, lalo na sa paksa tungkol sa mga nakaligtas sa kanser sa panahon ng pagkabata.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.