Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Doktor at Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Ayon sa mga pag-aaral, ang pakikipag-usap sa mga pasyente tungkol sa kanilang mga layunin at kagustuhan para sa medikal na pangangalaga ay nagpapababa sa mga agresibong interbensyon kapag malapit na sa katapusan ng buhay, nagpapataas sa dami ng pagpapa-enroll sa hospice, nagpapataas ng kasiyahan sa pangangalagang natatanggap, at nagpapataas sa posibilidad na pumanaw ang mga pasyente sa lugar na mas minanais nila.
Tutuklasin sa webinar na ito ang kasaysayan, paggamit, at mga uri ng mga advance na directive, at magbibigay ito ng mga praktikal na payo para sa pagsisimula ng mahihirap ngunit kinakailangang mga pakikipag-usap sa mga pasyente at pamilya/tagapag-alaga.
Ang webinar na ito ay inihahandog para sa parehong CE at CME na credit:
- Ang CE na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker at certified case manager, at pati na rin mga lisensiyadong tagapamahala ng nursing home sa mga estado ng Florida at Illinois.
- Ang CME na credit ay para sa mga doktor (MD, DO), nurse practitioner (NP), at physician assistant (PA).
Makakatanggap ang mga dumalo ng isang oras ng continuing education. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Mga Nurse at Case Manager
Para magkaroon ng CE credit, dapat panoorin ng mga attendee ang buong webinar, sagutan ang isang online na post-event na evaluation, at i-download ang sarili nilang CE certificate. Dapat magparehistro at mag-sign in ang mga kalahok sa live na webinar gamit ang iisang email address.
Ang aktibidad na ito ay aprubado para sa isang oras na continuing education na credit para sa mga nurse (RN, LPN, LVN, ARNP; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker, at certified case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Mga Doktor
Mahusay na Pagtatapos - Dapat kumpletohin ng mga mag-aaral ang isang evaluation form para makatanggap ng certificate ng pagkumpleto. Dapat kang lumahok sa buong aktibidad dahil walang partial credit na maibibigay. Kung naghahanap ka ng continuing education na credit para sa isang kadalubhasaan na hindi nakalista sa ibaba, responsibilidad mong makipag-ugnayan sa iyong licensing/certification board para matukoy ang pagiging kwalipikado sa kurso para sa iyong kinakailangang licensing/certification.
Mga Doktor - Bilang suporta sa pagpapahusay ng pangangalaga sa pasyente, plinano at ipinapatupad ng Amedco LLC at VITAS Healthcare ang aktibidad na ito. Ang Amedco LLC ay accredited ng Accreditation Council for Continuing Medical Education (ACCME), Accreditation Council for Pharmacy Education (ACPE), at American Nurses Credentialing Center (ANCC), para makapagbigay ng continuing education para sa healthcare team. Pahayag sa Pagtatalaga ng Credit - Itinatalaga ng Amedco LLC na ang live na aktibidad na ito ay may maximum na 1.00 na AMA PRA Category 1 na (mga) CreditTM. Ang mga doktor ay dapat lang kumuha ng credit na naaayon sa kanilang paglahok sa aktibidad.
Itinatampok na Eksperto sa VITAS
Heather Veeder, MD
Regional Medical Director - Central Region, VITAS Healthcare
Si Heather Veeder, MD, ay Regional Medical Director para sa VITAS Healthcare, ang leading provider ng end-of-life care sa bansa. Pinapangasiwaan ni Dr. Veeder ang medikal na pangangalaga at paggamot ng mga pasyente ng VITAS sa kanilang mga tahanan, nursing home, mga assisted living community, units ng naka-confine na pasyente, at personal care na mga tahanan sa Texas, Illinois, Wisconsin, Missouri, at Kansas. Kinukunsulta rin niya ang mga attending physician ng mga pasyente, pinapangasiwaan ang mga team physician ng VITAS, ginagabayan ang staff, at nagsisilbing resource sa mga practicing physician at iba pang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga benepisyo ng hospice at palliative care para sa mga pasyente at kanilang mga pamilya.
Bago naging bahagi ng VITAS, si Dr. Veeder ay may Hospice at Palliative Medicine na Fellowship sa UT Health San Antonio. Bago iyon, nagsilbi siya bilang doktor sa isang Access MD Urgent Care Center sa Dayton, Ohio.
Nakatapos si Dr. Veeder ng Bachelor's Degree at Master's Degree sa Music mula sa Wright State University sa Dayton, Ohio. Mayroon siyang Doctor of Musical Arts Degree mula sa University of Oklahoma. Mayroon siyang Medical Degree mula sa Wright State University. Natapos ni Dr. Veeder ang kanyang residency sa Family Medicine sa Wright State University sa Dayton, Ohio. Siya ay miyembro ng American Academy of Hospice and Palliative Medicine, American Academy of Family Physicians, Texas Academy of Family Physicians at Gold Humanism Society. Mayroon din siyang certificate sa Basic Life Support for Healthcare Providers (CPR at AED) at Advanced Cardiovascular Life Support (ACLS).
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.