Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Mercy Fitzgerald Hospital

1500 Lansdowne Ave.

4th Floor

Darby, PA 19023

Kapag ang mga hospice patient ay nangangailangan ng pag-aalaga na higit sa kung ano ang maaaring pangasiwaan sa bahay, ang Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Mercy Fitzgerald Hospital ay tulad ng bahay na setting kung saan makakatanggap ang mga pasyente ng indibidwal at 24 na oras na pag-aalagang kailangan nila. Layunin naming tulungan ang mga pasyenteng makabalik sa kanilang bahay sa lalong madaling panahon, kung saan patuloy kaming magbibigay ng suporta.

Kumikilos ang aming mga mapangalaga at propesyonal na healthcare providers sa hospice unit 24/7 para matiyak na ganap na napapangasiwaan ang pananakit at iba pang sintomas sa tulong ng personal na doktor ng pasyente.

Ang Inpatient na Hospice Unit Team ng VITAS

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS