Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa North Shore Medical Center
Sa inpatient hospice unit ng VITAS sa North Shore Medical Center, gumagamit kami ng indibidwal na pamamaraan para sa bawat pasyenteng inaalagaan namin. Layunin naming suportahan ang aming mga pasyente at kanilang mahal sa buhay sa oras na ito ng pagsubok.
Paminsan-minsan, maaaring kailangan ng mga pasyente sa hospice ng pag-aalaga na higit sa kumportableng maibibigay ng mga pangunahing tapag-alaga sa bahay. Sa inpatient hospice unit ng VITAS sa North Shore Medical Center, ang aming specialized na team ay nagbibigay ng kinakailangang antas ng pag-aalaga para mapahupa ang mga sintomas upang makabalik ang mga pasyente sa pagiging pamilyar ng kanilang mga sariling bahay at regular na gawain sa lalong madaling panahon.
Ito ang inpatient hospice unit na nagtakda ng pamantayan para sa lahat ng propesyonal pero parang bahay na inpatient unit ng VITAS. Ito ang kauna-unahang unit na aming binuksan; at ngayon, tumatakbo ang VITAS sa maraming inpatient hospice unit sa buong bansa.
Impormasyon ng Bisita
Matatagpuan sa NW 95th Street at I-95, ang inpatient unit ay may tanawin sa isang magandang hardin.
- Libreng paradahan
- Matatagpuan ito sa sarili nitong bahagi sa ika-2 na palapag ng ospital
- Pagbati sa mga bisita 24/7
- Malugod na tinatanggap ang mga nakatali at maamong alagang hayop
Dahil sa coronavirus na pandemic, posibleng maging limitado ang mga oras ng pagbisita at ang mga amenity para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasyente, bisita, at staff.