Columbus

Dedikado ang VITAS ng Greater Columbus sa pagbigay ng pag-aalaga na nakatuon sa pasyente at suporta sa mga naninirahan sa saanmang lugar na itinuturing nilang bahay. Kahit sila man ay nakatira sa isang pribadong bahay, sa isang assisted living community o sa isang nursing home, ang aming lubos na sanay at may karanasang mga miyembro ng team ay pupunta sa lokasyon ng pasyente upang makapagbigay ng pansariling tulong at pag-aalaga.

Ang sinisilbihan namin ay hindi lamang ang Greater Columbus area ngunit pati na rin ang 15 nakapaligid na mga county, na siyang kabilang ang: Logan, Union, Marion, Morrow, Knox, Union, Delaware, Licking, Madison, Franklin, Fayette, Pickaway, Fairfield, Perry, Hocking at Ross.

Bilang karagdagan pa sa dalubhasang klinikal na pag-aalaga, naghahandog ang VITAS sa Columbus ng holistic na pamamaraan sa end-of-life care, kabilang ang Paw Pals® na mga pagbisita ng alagang hayop, sertipikadong mga music therapist, art at massage therapy. Mayroon rin kaming epektibong pamamaraan sa programa para sa beterano kaya nakamit namin ang aming LEVEL 5 na sertipikasyon.

Naghahanap ka ba ng career sa hospice sa Columbus? Tingnan ang aming mga bukas na posisyon ngayon.

Ang Hospice Team ng VITAS

Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang hospice aide sa VITAS

Hospice Aide

Nagbibigay ang hospice aide ng personal care sa pasyente. Sila rin ang "mata at tainga" ng iba pang hospice team.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS