Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Broward Health North

201 E Sample Road

3rd Floor

Deerfield Beach, FL 33064

Inpatient Hospice Center

Sa VITAS Inpatient Hospice Unit sa Broward Health North, nagbibigay kami ng iba't ibang pamamaraan sa bawat pasyente na aming pinangangalagaan. Narito kami para suportahan ang aming mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay sa oras na ito ng pagsubok.

Ang VITAS inpatient hospice unit ay isang mahalagang mapagkukunan sa Broward Health North; ina-admit namin ang mga pasyente na-ospital na naka-ventilator o nagda-dialysis habang sinusuportahan namin ang kanilang mga pamilya sa paggawa ng mga mahihirap na desisyon tungkol sa pangangalaga sa taong malapit ng pumanaw. Bilang lider ng hospice, ang VITAS ay mayroong mga kawani at sistema na sinisiguro ang isang mapayapa, mahinahon at sumusuportang kapaligiran sa yunit ng inpatient.

Mga Feature ng Inpatient Unit

  • 8 mga pribadong kwarto
  • 10 mga semi-private na silid
  • Aktibidad para sa mga bata
  • Access sa computer at internet
  • Mga flat-screen TV sa mga kwarto
  • Mga pribadong paliguan
  • Pribadong tahimik na kwarto
  • Shared na pampamilyang kwarto
  • Shared na kusina
  • Washer at dryer para sa mga bisita

May bibisitahin ka ba sa hospice?

Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS

Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.

Isang Doktor sa VITAS
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.

Isang social worker sa VITAS
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.

Isang bereavement specialist sa VITAS
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.