Mga Telehealth na Admission para sa mga Pasyenteng may Malubhang Lung Disease

Handa na ba ang pasyente para sa hospice care?

Dahil sa COVID-19 na pandemic, ang mga pasyenteng may malubhang karamdaman na posibleng karapat-dapat sa hospice ay nasa mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng malubhang kinahinatnan kung magkakaroon sila ng impeksyon at mas malamang na mamatay sila sa ospital.

Nakahanda at nakatuon ang VITAS Healthcare na suportahan ang pangangalaga ng mga pasyenteng ito. Sinusuportahan ng aming plataporma na nagbibigay-prayoridad sa mobility​​​​​​​ ang telehealth para sa 24/7/365 na mga admissions ng iyong mga hospice-eligible na pasyente.

Magtiwala sa VITAS upang masiguro na matupad ang mga layunin ng iyong mga pasyente sa kanilang pangangalaga, kahilingan, at pinahahalagahan, habang tinutulungan na maiwasan ang mga hindi kinakailangang pagbisita sa ED at mga admission sa ospital.

Case Study ng Telehealth na Admission:

Si CJ, isang 75 taong gulang na pasyenteng may malubhang lung disease, ay nakadepende na sa oxygen at hindi na masyadong tumutugon sa mga bronchodilator sa bahay. Kasama sa kanyang mga sintomas ang pangangapos ng paghinga nang may minimal na exertion, paghina ng paggalaw na nauugnay sa paglubha ng sakit, at hindi sinasadyang pagbaba ng timbang.

Natatakot si Rebecca, ang kanyang anak at tagapag-alaga, na dalhin siya sa emergency department at natatakot din siya tumanggap ng bisita sa bahay dahil sa COVID-19. Kailangan niya ng higit pang mga resource para matulungan siya sa pangangalaga ng kanyang ama at mas gusto niyang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng FaceTime o telepono.

Sang-ayon siyang makipag-ugnayan sa VITAS sa pamamagitan ng kanyang iPad.

  • Pag-aaralan at kukumpirmahin ng admissions nurse ng VITAS ang mga layunin sa pangangalaga nila CJ at Rebecca:
    • Panatilihing kumportable si CJ sa bahay.
    • Benepisyo mula sa isang respiratory therapist para kay CJ.
    • Suportahan ang tungkulin ni Rebecca bilang tagapag-alaga.
  • Susuriin ng VITAS nurse si CJ para malaman kung paano pamamahalaan ang kanyang kahirapan sa paghinga at anxiety.
  • Magsasagawa ang VITAS ng mula ulo hanggang paa na eksaminasyon kay CJ para maunawaan ang kanyang pangkalahatang kalagayan.
  • Ipinapakita ni Rebecca sa nurse ng VITAS ang mga bote ng gamot ni CJ; kukumpirmahin ng nurse ang mga ito sa listahan ng gamot na ibinigay ng doktor ni CJ.
  • Nilibot ng nurse ng VITAS ang tinitirhan ni CJ sa pamamagitan ng video para malaman ang naaangkop na HME at mga supply:
    • Umorder ng oxygen, hospital bed, upuang arinola, at shower chair.
    • Umorder ng mga gamot para sa pangangapos ng paghinga ni CJ.
  • Pinapayuhan si Rebecca ng social worker tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pag-aalaga, nagbibigay din siya ng mga payo tungkol sa pamamahala ng anxiety, at tinutulungan siya sa pagluluksa bago ang kamatayan.
  • Patuloy na papanatilihin ng clinical care team ng VITAS, kasama ang isang respiratory therapist, ang pangangalaga kay CJ sa pamamagitan ng telehealth at ipagpapatuloy nila ang kinakailangan (pero limitado) na personal na pagbisita, gaya ng nakabalangkas sa plan of care​​​​​​​.

Bilang pagsisikap para mapahupa ang panganib ng pagkakahawa dahil sa COVID-19, pinapayagan ng Kongreso at CMS ang mga healthcare provider na gamitin ang telehealth para masiguro ang ligtas, patuloy na pangangalaga, at access sa mga pasyente at pamilya.

Ikaw at ang iyong mga pasyente ay sinusuportahan ng aming plataporma na nagbibigay prayoridad sa mobility nang 24/7/365.