Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Sa mabilis na pagdaloy ng mga nangyayari sa ED, limitado ang panahon para sa pakikipag-talakayan tungkol sa ACP.
Malalaman ng mga dadalo kung paano mabilis na matasa at makilala ang pagiging karapat-dapat sa hospice ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman na maaaring makinabang mula sa ACP at napapanahong paglipat patungo sa end-of-life care sa kanilang mas ninanais na kinalalagyan. Siyasatin ang mga magkakaibang pamamaraan upang mapasimulan ang pinaiksing, epektibong pakikipag-talakayan tungkol sa mga layunin ng pangangalaga na nagbibigay-suporta sa paglipat sa mga hospice services.
Ang continuing education na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California ay Registered Nurse lang), social worker, at certified case manager, at pati na rin sa mga lisensiyadong nursing home administrator sa estado ng Florida at Illinois.
Puwedeng makakuha ang mga dadalo ng isang CE na oras. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Mga Nurse at Case Manager
Ang aktibidad na ito ay aprubado para sa isang oras na continuing education credit para sa mga nurse (RN, LPN, LVN, ARNP; mga Registered Nurse lang sa California), social worker, at certified case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Itinatampok na Eksperto sa VITAS
Eric Shaban, MD
Regional Medical Director - Northeast, Mid-Atlantic at Midwest, VITAS Healthcare
Si Eric Shaban, MD ay Regional Medical Director para sa VITAS Healthcare. Nakikipagtulungan si Dr. Shaban sa mga klinikal na programa at sumusuporta sa paglaki ng mga programa ng VITAS sa Washington DC, Northern Virginia, Delaware, Pennsylvania, New Jersey, Connecticut, Wisconsin, at Ohio.
Bago sumali sa VITAS noong 2011, natapos ni Dr. Shaban ang isang fellowship sa Hospice and Palliative Medicine sa University of Rochester Medical Center sa Rochester, New York. Noong 2010, natanggap niya ang Michael R. Katz MD Award ng AtlantiCare Regional Medical Center.
Miyembro siya ng American Academy of Hospice and Palliative Medicine at siya ay board certified sa Internal Medicine at sa Hospice and Palliative Medicine.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.
Mga Kaugnay na Event
Webinar: Mga Nasa Hustong Gulang na LGBTQ+: Mga Natatanging Kahirapan at Inklusibong Pamamaraan sa Pangangalaga
12:00 p.m. Eastern Daylight Time
Miyerkules, Hunyo 01, 2022
Webinar: Pagtatasa at Pangangasiwa ng mga Nakagagambalang Pag-uugali sa mga Taong may Dementia
12:00 p.m. Eastern Daylight Time
Miyerkules, Hunyo 22, 2022