Isang hanay ng mga American flag na nakalagay sa mga puntod

Alalahanin ang Kanilang Buhay, Kilalanin ang Kanilang Sakripisyo

Mayo 31, 2021

11 a.m. ET / 10 a.m. CT / 8 a.m. PT

Tungkol sa Event na ito

Naghahandog ang VITAS Healthcare ng mga memorial service sa pamamagitan ng Zoom para sa mga miyembro ng pamilya at tagapag-alaga ng mga beteranong namatay. Paraan namin ito sa pagsuporta sa mga taong sumuporta sa mga bayani ng ating bansa noong nakabalik na sila.

Nauunawaan namin na ang pagluluksa ay mas mahirap kapag hindi magawa nang personal ang mga karaniwang seremonya at tradisyon. Mag-register para sa isa sa aming mga remote na serbisyo at samahan ang VITAS at iba pang mga pamilya ng militar para sa paggunita ng iyong mahal sa buhay.