Virtual Reality para sa Mga Pasyente ng Hospice

Sumasailallim ng muling pagsikat ang teknolohiya ng Virtual reality (VR) dahil nagiging mas maliit at nagagamit na ang kinakailangang teknolohiya para makapagbuo ng imaheng parang nakapalibot sa taong gumagamit nito. Bagama't ang mga pagsulong na ito ay karaniwang ginagamit ng mga gumagawa mga video game at sa mga naglalaro nito, napag-alaman sa pananaliksik na magagamit din ang potensyal para sa VR na teknolohiya para sa mga propesyon sa hospice at sa pangangalagang pangkalusugan.

Gumagamit ang mga tanging pangkat ng VITAS* ng VR bilang isang palliative tool, pinapahupa nito ang pananakit ng mga pasyente at iba pang mga sintomas sa pamamagitan ng paglagay nila sa isang nakapagpapakalmang virtual na kapaligiran.

Makakatulong din ang VR sa ating mga pasyente para makasali sila sa mga kaganapang hindi nila mapupuntahan. Halimbawa, ginagamit namin ang VR para sa mga pasyenteng nakaratay sa kama at sa mga taong limitado ang pagkilos, para magbigyan sila ng mga karanasan tulad ng Honor Flight ng mga beterano sa Washington DC, isang biyahe sa isang art museum o sa isang patutunguhang nais puntahan ng isang tao bago sila pumanaw.

Hindi para sa lahat ng pasyente ang VR at ang pagiging epektibo nito ay pinag-aaralan pa rin, pero maganda na ang ipinapakita nito sa mga naunang medikal na pananaliksik.

Sino ang Puwedeng Makinabang sa Virtual Reality?

Nagbibigay ang teknolohiya ng VR ng higit na benepisyo sa mga pasyenteng:

  • Nakararanas ng sakit at sintomas na mahirap kontrolin sa pamamagitan ng mga tradisyonal na interbensyong medikal
  • Nakakaramdam ng pagkabalisa o apektado ng dementia
  • Kulang ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao o nangangailanan ng stimulation sa kanyang mga senses
  • Hindi nagagawa ang ilang partikular na karanasan nang personal dahil sa kanilang kundisyon
  • May PTSD o iba pang psychiatric na kundisyon

Paano Ginagamit ang Virtual Reality sa Hospice?

Ang mga miyembro ng VITAS hospice team na bihasa sa teknolohiya ay nagdadala ng mga VR headset sa aming mga pasyente sa bahay o sa isa sa aming mga inpatient hospice unit. Sa pamamagitan ng tulong ng miyembro ng team, ang isang pasyenteng may suot na headset ay makakapag-relax sa isang masayang na virtual na kapaligiran, makakapag-gala sa isang banyagang bansa, muling nabibisita ang kanyang tahanan noong bata pa siya, o makakapaglakad sa isang magandang landas sa kalikasan o sa dalampasigan.

Ipinakikita ng mga ilang pag-aaral-kasama ang isa na isinagawa ng VITAS sa tulong ng AT&T-na epektibo ang VR sa pamamahala ng mga sintomas sa mga ilang partikular na pasyenteng malapit na sa katapusan ng buhay.

*Hindi available ang virtual reality sa lahat ng lokasyon ng VITAS. Makipag-ugnayan po sa iyong lokal na VITAS team para sa higit pang impormasyon.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.