Kevin McNamara

Chairman

Nagsimula ang career ni Kevin sa Chemed Corporation noong 1980 bilang isang corporate attorney. Noong 1981, lumipat siya sa Omnicare, Inc. (NYSE: OCR), na 24% na pag-aari at affiliate ng Chemed, at humawak ng posisyon bilang secretary. Noong 1986, bumalik si Kevin sa Chemed kung saan hinirang siya bilang Vice President, General Counsel at Secretary.

Kevin McNamara

Mula 1990 hanggang 1992, nagsilbi din siya bilang Executive Vice President at Chief Operating Officer ng Omnicare. Noong panahong iyon, ang Omnicare na ang leading provider sa bansa ng professional pharmacy at mga kaugnay na serbisyo ng consulting para sa mga institusyon sa long-term o pangmatagalang pag-aalaga at sa mga residente. 

Noong 1992, si Kevin ay nahalal bilang Vice Chairman ng Chemed habang naglilingkod pa siya bilang General Counsel at Secretary nito. Noong 1993, hinirang siyang Executive Vice President, Secretary at General Counsel ng Chemed. Inihalal ng Board of Directors si Kevin sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang Presidente noong 1994 at sa isa pa niyang posisyon na Chief Executive Officer noong 2001. Noong Pebrero 2004, naging Chairman din siya ng VITAS.

Si Kevin ay may AB degree sa Economics mula sa Denison University at JD degree mula sa Cornell University Law School.