Jeffrey M. Kreger

Chief Financial Officer

Si Jeffrey Kreger ang Executive Vice President at Chief Financial Officer (CFO) ng  VITAS Healthcare, ang nangungunang provider sa bansa para sa end-of-life care.

Jeffrey Kreger

Pinamumunuan ni Jeffrey ang financial operations ng VITAS at gumaganap bilang importanteng strategic at operational partner sa pamumuno sa management at field operations ng mga team. Bilang CFO, siya ang responsable sa paggabay sa pagsulong at kita ng kumpanya, at nangangasiwa sa mga kagawaran katulad ng accounting at finance (accounting, billing at collections, contract services, financial reporting), mga pasilidad, revenue cycle management at risk management.

Bilang isang matagumpay na corporate executive, ginagamit ni Jeffrey ang kanyang 30 taong financial at operational experience sa papel na ginagampanan niya. Kamakailan lang, siya ang Senior Vice President (SVP), CFO at treasurer Aegis Therapies sa Dallas, isang healthcare company na may mahigit 300 therapy services locations sa 39 states. Ginampanan din niya ang papel na ito sa BioScrip sa Denver, isang healthcare company na may higit sa 70 homecare agencies at infusion pharmacies sa 28 states.

Naging EVP, CFO at treasurer din siya sa  LHC Group sa Lafayette, Louisiana, na isang national provider para sa post-acute care at may mahigit 350 homecare agencies sa 30 states. Bago siya dumating sa LHC Group, nagkaroon ng finance leadership experience si Jeffrey sa Sun Healthcare Group, Inc. sa California; Consolidated Graphics Inc., Philips Services Corporation, at American Habilitation, Inc. sa Texas, at Sava Senior Care in Georgia. Nagsimula ang career niya bilang isang Certified Public Accountant (CPA) at financial auditor sa Ernst & Young.

Si Jeffrey ay may Master's Degree sa Business Administration mula sa University of Houston at Bachelor's Degree sa Business Administration na may with specialization sa accounting mula sa  University of Texas sa Austin. Siya ay isang licensed CPA sa Texas at miyembro ng American Institute of CPAs.