Jeffrey M. Kreger

Chief Financial Officer

Si Jeffrey Kreger ang Executive Vice President at Chief Financial Officer (CFO) ng  VITAS Healthcare, ang nangungunang provider sa bansa para sa end-of-life care.

Jeffrey Kreger

Pinamumunuan ni Jeffrey ang financial operations ng VITAS at gumaganap bilang importanteng strategic at operational partner sa pamumuno sa management at field operations ng mga team. Bilang CFO, tungkulin niyang pamunuan ang pag-unlad at pagkita ng kumpanya, sa pamamagitan ng pamamahala ng mga departamento kung saan kasama ang accounting, finance, pinansyal na pag-uulat, pagba-budget, pamamahala ng yugto ng kita, accounts payable, mga serbisyo sa kontrata, pasilidad, at pamamahala ng panganib.

BIlang isang matagumpay na corporate executive, ginagamit ni Jeffrey ang kanyang 31 taong karanasan sa pananalapi at pamamahala sa kanyang tungkulin. Bago siya sumali sa VITAS, si Jeffrey ay senior vice president, CFO, at treasurer ng Aegis Therapies sa Dallas, isang kumpanyang may mahigit na 300 lokasyon para sa mga serbisyo sa therapy sa 39 mga estado. Ganoon din ang naging posisyon niya sa BioScrip na nasa Dallas, isang kumpanya sa mga serbisyo sa pangangalaga sa bahay na nakatuon sa infusion (na pagmamay-ari na ng OptionCare), na noon ay nagpapatakbo ng mahigit sa 70 mga ahensya sa pangangalaga sa bahay at mga infusion pharmacy sa 28 mga estado.

Naglingkod din siya dati bilang EVP, CFO, at treasurer sa LHC Group sa Lafayette, Louisiana, isang pambansang provider ng post-acute care sa mahigit na 350 ahensya sa pangangalaga sa bahay sa 30 mga estado. Bago siya dumating sa LHC Group, nagkaroon ng karanasan sa pamumuno sa finance si Jeffrey sa Sun Healthcare Group, Inc. sa California. Nagsimula ang career niya bilang isang Certified Public Accountant (CPA) at financial auditor sa Ernst & Young.

Jeffrey ay mayroong master's degree sa business administration mula sa University of Houston at isang bachelor's degree sa business administration na may concentration sa accounting mula sa University of Texas sa Austin. Siya ay isang licensed CPA sa Texas at miyembro ng American Institute of CPAs.