Jean Hunn

Senior Vice President of Operations, California

Jean Hunn

Si Jean Hunn ay senior vice president of operations para sa VITAS Healthcare, ang leading provider ng end-of-life care sa bansa.

SImula noong nagi siyang senior VPO noong 2018, pinangasiwaan na ni Jean ang pagpapatakbo ng mga programa ng VITAS sa buong California, kasama ang East Bay-Oakland, Inland Empire, Orange County, Coastal Cities, San Diego, mga lungsod sa San Gabriel, Los Angeles at Ventura County, San Francisco, at Sacramento.

Marami nang nakamit si Jean bilang isang healthcare administrator at ginagamit niya rito ang kanyang 25 taon na karanasan sa kanyang posisyon. Bago siya naging bahagi ng VITAS, nagsilbi siya bilang administrator/director para sa Citrus Valley Health Partners, kung saan responsable siya sa programa ng palliative care na naka-base sa komunidad, mga programa sa hospice at home health, at sa isang pasilidad ng dalubhasang pangangalaga sa West Covina, California. Bago iyon, naging presidente at COO para sa CareLink, LLC, at Health Essentials. May karanasan din sa hospice si Jean bilang regional vice president para sa Odyssey HealthCare.

Nakamit ni Jean ang kanyang bachelor of science degree sa nursing mula sa California State University sa Fullerton, California, at master's degree sa public administration and health care services mula sa University of San Francisco.

Isa siyang lisensyadong nursing home administrator at aktibong naglilingkod sa Public Policy Committee para sa California Hospice and Palliative Care Association.