Diane Psaras
Chief Human Resources Officer
Si Diane Psaras ay executive vice president at chief human resources (HR) officer para sa VITAS Healthcare, ang leading provider ng bansa para sa end-of-life care. Nahirang siya sa posisyong ito noong Oktubre 2018, at responsable sa lahat ng gawain ng HR para sa mahigit 12,000 empleyado ng kumpanya sa 14 states at sa District of Columbia.
Bilang miyembro ng Senior Executive Leadership team, si Diane ang responsable sa paghahatid ng layunin at misyon ng VITAS para sa buhay sa pamamagitan ng mga taong pinamumunuan niya. Bilang pinuno sa pagbuo ng mga estratehiya para sa mga gawain ng HR, walang tatalo sa kanya sa pagsulong niya ng talento at kultura sa VITAS, na dalawang aspeto na napakahalaga sa matagumpay na pagpapatakbo ng business ng serbisyo sa healthcare.
Sa pagdating ni Diane sa VITAS, dala niya ang mahigit 26 taon niyang karanasan sa human resources, kasama na ang karanasan niya sa global at domestic responsibilities sa iba't ibang industriya. Ang kanyang corporate experience, leadership at mga nagawa ay makikita sa iba't ibang proyekto at processes sa HR-cultural transformation, performance management, pag-develop ng talento, improvement sa employee retention at engagement at paggagawa ng talent metrics at scorecards.
Bago siya naging bahagi ng VITAS, si Diane ay nagsilbing Chief Human Resources Officer sa Healogics Inc., isang wound-care provider sa Jacksonville, Florida. Naglingkod rin siya bilang Senior Vice President ng human resources sa Red Lobster at officer din siya ng parent company nito, ang Darden Restaurants Inc. Habang nagtratrabaho siya sa Red Lobster, nag-develop si Diane ng isang mahusay ng human resource strategy upang suportahan ang mahigit 700 restaurants, 65,000 empleyado at $2.6 bilyon na annual sales. Naglingkod din siya sa loob ng 14 taon sa iba't ibang posisyon sa HR sa Avery Dennison, kabilang na ang role niya bilang global HR Vice President ng Specialty Materials and Converting Group.
Noong 2010, tumanggap si Diane ng Coca Cola Spirit Award para sa HR best practices, at binigyang-parangal siya ng People Report™ Best Practices noong 2011 at 2012. Ang mga pagsisikap ni Diane upang pagbutihin at kultura sa pagtratrabaho at employee engagement sa Red Lobster ang naging pundasyon ng Darden bilang isa sa "100 Best Companies to Work For" ng FORTUNE para sa taong 2011 at 2012.
Nagtapos si Diane ng Bachelor's Degree sa Business Administration sa Youngstown State University at Master's Degree sa Business Administration sa Rollins College. Dati siyang Board Member ng Big Brother Big Sister organization sa Orlando at miyembro ng Society for Human Resource Management.